Umalma ang pork producers sa lumulutang na pagmanipula umano nila sa presyo ng kanilang mga produkto sa gitna na rin nang pagtaas nito sa merkado.
Binigyang diin ni Nicanor Briones, vice president ng Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated, na ang pagtaas sa presyo ng karneng baboy ay dahil sa African Swine Fever na nakaapekto sa kita ng hog raisers.
Sinabi sa DWIZ ni Briones na naghahanap lamang ng masisisi si Agriculture Secretary William Dar sa tumataas na presyo ng baboy gayung ang totoo ay kulang na kulang ang suplay ng baboy sa Luzon matapos mawala ang mahigit 5-milyong baboy dahil sa ASF na hindi nakontrol ng gobyerno.
Maaari aniyang 50% ng suplay ng baboy ang mawala sa Metro Manila kapag ipinatupad ang price ceiling na epektibo sa ika-8 ng Pebrero.
Ang tingin ko, mga 50% ng supply dito sa Metro Manila [ang posibleng mawawala],” ani Briones. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882