Sadyang pabor sa mga konsyumer ang inilabas na kautusan ng Pangulong Rodrigo Duerte hinggil sa price ceiling sa karneng baboy at manok.
Ayon ito kay Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), subalit tiyak na dadapa ang pork producers.
Ang hinihingi aniya nila sa Department of Agriculture (DA) ay tulong ng gobyerno para kahit paano ay hindi masyadong mataas ang presyo ng baboy at manok na dadalhin sa Luzon mula sa Visayas at Mindanao.
Sa consumer talagang papabor… Kung hindi tinupad ‘yung pangako [na subsidy], may problema ang Metro Manila,” ani So. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais