Plano ng lokal na pamahalaan ng Pasay na gamitin ang ilang paaralan para magsilbing COVID-19 vaccination sites.
Ayon kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, target nilang magkaroon ng 14 na vaccination sites upang mas marami ang kanilang ma-accomodate.
Kasabay nito, sinabi ni Rubiano na nakikipag-ugnayan na sila sa mga kumpanya na makakapag-provide ng cold storage facilities para sa mga bakuna.
Una rito inanunsyo ng lokal na pamahalaan na nakapag-order na sila ng 275,000 doses ng bakuna ng AstraZeneca.