Maaaring magresulta sa mas seryosong problema kung mabibigo ang gobyerno na pigilan ang patuloy na paghina o paglubog ng ekonomiya.
Ito ang naging babala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kaya’t nanawagan ito sa mga economic managers ng gobyerno na magprisinta ng kumprehensibo at realistikong plano kung paano tutugunan o isasalba ang humihina nating ekonomiya.
Giit ni Drilon, kung hindi mapipigilan ang paghina ng ekonomiya maaari itong magbunga ng pagtaas ng krimen, matinding kahirapan, gutom at malawakang kawaln ng hanap buhay.
Kaugnay nito, hinimok ni Drilon ang mga economic managers na magbigay ng tulong sa mahihirap at vulnerable sectors sa panahong ito.