Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghawak sa sitwasyon at paglalabas ng pahayag hinggil sa nagaganap na military coup sa Myanmar.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang araw matapos niya ring sabihin na isang panloob na usapin ang kaganapan sa Myanmar at hindi makikialam ang Pilipinas dito.
Ayon kay Roque, nananatili sa prayoridad ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa Myanmar, bagama’t ang DFA na aniya ang sasagot sa mga tanong hinggil sa naturang usapin.
Tumanggi na rin ang kalihim na sagutin kung maghahayag din ng pagkondena ang Pilipinas sa nangyayaring kudeta sa Myanmar at pagdakip sa kanilang lider na si Aung San Suu Kyi tulad ng ginawa ng Estados Unidos at United Kingdom.