Malabo nang mapalawig pa ang voter registration period.
Ito, ayon kay Commission on Election (COMELEC) Spokesman James Jimenez, ay dahil sa sinusunod nilang timeline para sa mga paghahanda sa 2022 national elections kung saan matapos ang registration sa ika-30 ng Setyembre ay kaagad itong susundan ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa halalan na ang petsa ay pinag-aaralan din nilang iurong.
Ang tanging magagawa lamang aniya nila ay pag aralan ang posibilidad na mapalawig ang registration hours kada linggo.
Kasabay nito, ipinabatid ni Jimenez na pinag-aaralan din ng komisyon ang pagdaragdag sa bilang ng satellite registration sa buong bansa.
Obligado na aniya silang magsagawa ng satellite registration para magkaroon ng zero COVID-19 cases sa lugar sa loob ng 14 na araw bago ang aktuwal na satellite registration event.