Tinanggal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang closed fishing season sa round scad o galunggong sa northeastern Palawan simula ika-31 ng Enero.
Batay sa ulat ng National Stock Assessment Program ng region 4B, tumaas ang nakukuhang galunggong sa pamamagitan ng ring net sa 653.66 metric tons sa taong 2019.
Mula naman sa 170.07 metric tons, tumaas ang nahuhuling galunggong sa pamamagitan ng ring net sa 285.32 metric tons sa kaparehong taon.
Itinuturing naman itong welcome development ni BFAR National Director Eduardo Gongona para matiyak ang suplay ng galunggong.