Nagpaabot ng donasyong 2,000 tablets ang Chinese Embassy sa Department of Education upang makatulong sa nagpapatuloy na blended distance learning sa bansa.
Nagbigay si Chinese Ambassador Huang Xilian ng aabot sa 2,000 Huawei tablets kay Education Secretary Leonor Briones bilang pagtulong sa mga estudyanteng Pinoy na nagpapatuloy sa pag-aaral habang may kinakaharap na pandemya.
Ang mga naturang tablets ay ipapamahagi sa mga malalayong lugar na paaralan at iba pang lugar na apektado ng pandemya.
Sinabi ni Huang na patuloy ang Embahada sa pagsuporta sa mga estudyante sa bansa para maging maayos ang pagsasagawa ng distance learning sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Samantala, patuloy na ipapatupad ng embahada ang proyekto na Chinese Government Scholarship at Chinese Ambassador Scholarship upang maipagpatuloy ang tulong sa mga estudyanteng Pilipino.
ICYMI: The Chinese Embassy in Manila donated yesterday, February 2, 2,000 Huawei tablets to The Department of Education…
Posted by DepEd Philippines on Tuesday, 2 February 2021