Hindi kasama sa mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga miyembro ng gabinete nito.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, bagama’t hindi ito kasama sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte, pabor naman aniyang pabakunahan ang kanyang gabinete lalo na kung magbibigay ito ng kumpyansa sa publiko.
Giit pa ni nograles, nakahanda siyang mabakunahan kontra COVID-19 nang anumang brand ng bakuna.
Ito’y kahit pa anito ang bakunang gawa sa China basta’t nakapasa at aprubado ng fda o Food and Drug Administration (FDA) ng bansa.
Sa huli, giit ni Nograles, na nananatiling prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang medical frontlines maging ang mga mahihirap nating kababayan.