Hinimok ng embahada ng Estados Unidos sa New Delhi ang pamahalaan ng India na ipagpatuloy ang pakikipagdayalogo sa mga nagpoprotestang magsasaka nito laban sa reporma sa agrikultura ng bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng United States (US) na anumang pagkakaunawaan ng dalawang partido ay mareresolba sa pamamagitan ng dayalogo.
Matatandaang dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang magprotesta ang mga magsasaka sa India dahil anila’y mga malalaking negosyo lamang ang magbebenepisyo sa ginawang reporma sa sakahan.
Giit naman ng pamahalaan ng India, ang naturang reporma ay makatutulong sa mga magsasaka at makapagdadala ng investors sa sektor upang mai- angat ng nasa 15% o aabot ng $2.9 trilyon ang ekonomiya ng India.—sa panulat ni Agustina Nolasco