Bumaba na ang tubig sa Tumana river sa lungsod ng Marikina.
Sa pinakahuling monitoring, nasa 16.1 meters ang water level sa Tumana River.
Ipinabatid naman ng Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office na kasalukuyan pa ring nanununuluyan sa iba’t ibang evacution center ang mga residenteng inilikas sa kasagsagan ng bagyong Lando.
Kabilang sa mga nagsisilbing evacuation center sa lugar ay ang Upper Balite, Malanday Elementary School, Nangka Elementary School at H. Bautista Elementary School.
By Meann Tanbio | Jopel Pelenio (Patrol 17)