Itinanggi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na kinansela ng Cavite provincial government ang proyektong iginawad sa China Communications Construction Company limited (CCCC) para sa konstruksyon ng Sangley Point International Airport.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na inirekomenda ng kanilang special selection committee na huwag aprubahan ang redevelopment ng dating airbase.
Nilinaw ng sugo ng China na tanging ang feasibility study ng proyekto at hindi ang mismong $10-B project ng Sangley point airport ang kinansela ng provincial government.
Kasali aniya ang feasibility study ang konstruksyon sa mga napagkasunduan nila ng provincial government kasama ang $20-M investment ng mananalong bidder.
Kasama ng CCCC ang Macro Asia Corporation na pagmamay-ari ng business tycoon na si Lucio Tan sa nagawaran ng nasabing proyekto.
Sinabi ni Huang na commercial ang nasabing proyekto at walang halong pulitika ang mga nasabing pag-aaral at proyekto.