Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Baguio City na tumanggap na muli ng mga turista.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kabila ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan kabilang ang lungsod ngayong Pebrero.
Una nang sinabi ng Baguio City Tourism na aabot sa 3,000 mga biyahero ang pansamantalang naka-hold ang bookings sa lungsod matapos isailalim ito sa GCQ.
Inaprubahan din ang request ng Baguio City na i-accomodate ang leisure travellers sa kanilang hotels at iba pang accomodation establishments habang nasa GCQ classification ang syudad, subject pa rin ito sa strict health protocols at contact tracing measures,” ani Roque.