Umakyat na sa 533,587 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,894 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Pebrero 5.
Nasa 34,255 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 397 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t pimalo na 4888,274 ang total recoveries
Habang 61 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,058 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,894 ngayong Biyernes, Pebrero 5.
Pumalo na sa kabuuang 533,587 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 34,255 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/WpmL8YiT8Y
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 5, 2021