Pinagbibitiw sa puwesto ng isang senador ang mga opisyal at mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO).
Ito’y bunsod ng kabiguan umano ng mga ito na maipatupad ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, dahil sa pagkakaantala ng implementasyon ng batas, halos siyam na libo ang napatay ng riding-in-tandem criminals mula 2010 hanggang 2020.
Sa ilalim ng RA 11235, ipinagbabawal ang paggamit ng motorsiklo bilang get-away vehicle sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mas malaki, mas madaling mabasa o readable at color-coded number plates upang madaling matukoy ang pagkakilanlan ng nagmamay-ari nito.