Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na napasok na rin ng African swine fever (ASF) ang tatlo pang bayan sa lalawigan ng Leyte.
Sa isang virtual press briefing, binanggit ni DA Regional Executive Director Angel Enriquez na kabilang sa mga apektado ay ang mga munisipalidad ng Tanauan, Palo, at MacArthur.
Una nang iniulat na halos 2,000 baboy ang tinamaan ng ASF sa mga bayan ng Abuyog, La Paz, Javier, at Dulag.