Palalakasin pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang pagbabantay.
Ito’y upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat sa bansa ng mga pekeng bakuna kontra COVID-19.
Kasunod nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon nito hinggil sa iligal na pag-aangkat, pagbebenta gayundin ng pamamahagi ng mga pekeng bakuna .
Una nang inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na siyasatin ang ulat ng mga may naipupuslit na pekeng gamot sa bansa partikular na ang COVID-19 vaccine.
Magugunitang inamin ni pangulong rodrigo duterte na nabakunahan na kontra COVID-19 ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ngunit hindi naman dumaan sa tamang proseso.