Welcome kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang alok na posisyon sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gapay, isang karangalan para sa kaniya ang maikonsidera ng pangulo sa isang posisyon sa gubyerno matapos ang kaniyang pagreretiro.
Gayunman, sinabi ni Gapay na kaniyang pag-iisipang maigi kung tatanggapin o hindi ang alok na posisyon ng pangulo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil kakaiba ito sa kaniyang military background.
Magugunitang naging bungad ng pangulo sa kaniyang talumpati sa change of command ng AFP nuong Huwebes ang alok nitong posisyon kay gapay sa MWSS o di kaya’y ang pagiging opisyal ng Department of National Defense.