Ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 260 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Eastern Visayas.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ay para sa pinaigting na anti-insurgency campaign ng pamahalaan sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ECLAC)
Ayon sa PNP chief, ang mahigit 260 SAF commandos na kanilang ipinakalat ay ang mga bagong nagsipagtapos sa anim na buwang pagsasanay mula sa Calbayog City sa Samar.
Una rito, pinangunahan ni Sinas ang graduation rites ng mga nabanggit na bagong SAF commandos upang magbigay ng tactical support sa lokal na pulisya lalo na sa mga operasyon nito kontra krimen.