Inanunsyo ng Bahrain na sila’y magpapataw ng bagong quarantine protocols sa kanilang bansa para matiyak na mahigpit na maipatutupad ang pag-iingat kontra bagong variant ng virus.
Sa report na inilabas ng Bahrain News Agency, sinabi nito na ipinag-utos ng kanilang pamahalaan ang pagsasara ng lahat ng mga indoor gyms, sports hall at swimming pools.
Bukod pa rito, ipinagbabawal na rin ang pagsasagawa ng pagtitipon o social gatherings, kaya’t kung magdaraos nito, hanggang 30 na lamang ang papayagang makadalo rito.
Habang ang mga government workers naman ay inatasan na magsagawa ng work from home ng aabot sa 70% ng kanilang mga kawani.,
Tatagal ang naturang kautusan ang Pebrero 21.