Kinontra ng isang grupo ang napipintong price cap sa presyo ng karneng manok at baboy sa Metro Manila.
Naniniwala kasi si Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Rosendo So na hindi ito ang solusyon sa problema dahil posible pa itong magdulot ng pagkawala ng suplay sa Kamaynilaan.
Ayon kay So, posibleng magbenta na lamang ang mga supplier sa ibang lugar na hindi saklaw ng price ceiling.
Dahil dito, iminungkahi ni So na akuhin na lamang ng Department of Agriculture (DA) ang gastos sa biyahe pa-Maynila ng bawat baboy at manok kung nais nitong sumadsad ang presyo ng mga naturang produkto.