Hinimok ng ilang mambabatas ang Commission on Election (Comelec) na magkasa ng konsultasyon para sa online campaign bilang paghahanda sa 2022 elections.
Ayon kina House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Cibac Rep. Domeng Rivera, dapat pusluhan ng Comelec ang posisyon ng publiko hinggil dito.
Anila, hindi pa naman pinal ang plano ng Comelec na tuluyang ipagbawal ang face-to-face na pangangampaniya upang maka-iwas sa pagkalat ng COVID-19.
Dahil dito, sinabi ng mga mambabatas na napapanahon na rin para amiyendahan ang batas na sumasaklaw sa gastos ng mga kandidato sa bawat botante upang dito na lang ituon ang gastusin para sa makabagong pangangampaniya.