Nananawagan ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa pamahalaan na mas mailapit sana sa mas maraming komunidad ang mga programang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.
Kabilang rito ang diskuwento caravan at kadiwa rolling stores.
Ayon kay ALU-TUCP National Spokesperson Alan Tanjusay, malaki ang maitutulong ng naturang mga programa ng DA sa mga naghihikahos na manggagawa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Sinabi ni Tanjusay, isa ito sa kanilang nakikitang paraan upang matulungan ng pamahalaan ang mga manggagawa habang hindi pa naaangkop sa kasalukuyang sitwasyon ang hirit na omento sa sahod.
Magugunitang, una nang hiniling ng ALU – TUCP ang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin na tinugunan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Habang nag-aabang kami ng tamang panahon npara mag-file ng wage increase petition, tugunan muna ang aming panawagan na ilapit sa mga barangay, sa mga factory ‘yung diskwento caravan. Achaka kadiwa rolling stores ng Deparment of Agriculture at DTI ang laking tulong niyan. Sa aming obserbasyon ang laking nawala doon sa layer kaung kaya’y mula doon sa… at bebenta ng DA palapit sa communities ‘di hamak na mas mura ‘yung presyon ng karne, gulay at bigas,” ani Tanjusay sa panayam ng DWIZ 882