Inalala ng ilang residente sa sa lungsod ng Wuhan,China ang isang taong kamatayan ni Dr. Li Wenliang, ang ophthalmologist na nagbunyag na may kumakalat na coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.
Matatandaang hindi pinaniwalaan kaagad si Dr. Wenliang nang isiwalat niya sa kanyang social media account na weibo ang nadiskubreng kumakalat na virus habang siya naka-confine sa ospital noong Disyembre 2019.
Binalaan din ni Dr. Wenliang ang mga kapwa niya doktor sa isang chat group tungkol sa outbreak at nagpayo sa mga ito na magsuot ng mga proteksyon upang hindi mahawa.
Bunsod nito, pinatigil ng mga pulis si Wenliang sa pagkakalat ng balita na anila’y hindi totoo.
Pebrero 7,2020 nang binawian ng buhay si Dr. Wenliang dulot ng virus na noon ay hindi pa natutukoy bilang coronavirus disease.
Samantala, inalayan naman ng mga bulaklak at dasal ng ilang mga residente ng Wuhan si Dr. Wenliang sa harap ng Central Hospital ng Wuhan sa Hubei Province bilang pagkilala sa kabayanihan nito.—sa panulat ni Agustina Nolasco