Muling niyanig ng malakas na lindol ang Davao Del Sur pasado alas 12:22 kaninang tanghali.
Ayon sa PHIVOLCS, rumehistro sa magnitude 6.1 ang lakas ng pagyanig kung saan natukoy ang epicenter nito sa layong limang kilometro Timog ng bayan ng Magsaysay.
May lalim itong 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 5 sa Kidapawan City, Arakan, Carme, Kabacan, makilala at m’lang sa North Cotabato; Koronadal at Banga City sa South Cotabato; Matalam Cotabato; at Bansa, Hagonoy, Magsaysay at Sta. Cruz Sa Davao Del Sur.
Intensity 4 sa Davao City; Banisilan at Midsayap sa North Cotabato; Don Carlos Bukidnon; Polomok, Sto. Niño at Norala sa South Cotabato; Alabel, Kiamba at Malapatan Sa Sarangani at Palimbang at Tacurong sa Sultan Kudarat.
Intensity 3 sa Cotabato City; Cagayan De Oro City; Kadingilan at Kitaotao Sa Bukidnon; Tagum City Davao Del Norte; Maco at Nabunturan Davao De Oro; Intensity 2 Sa Cagayan De Oro City at kalilangan Bukidnon habang intensity 1 ang naramdaman sa Bislig Srigao Del Sur.
Inaasahang magdudulot ng pinsala sa mga ari-arian at mga aftershocks ang naturang pagyanig.
Sa katunayan, ilang minuto pa lamang nakalilipas ay nakapagtala na agad ng magkakasunod na aftershocks ang PHIVOLCS.
Unang naramdaman ang Magnitude 3.5 na aftershock pasado alas dose y medya ng hapon, sinundan ng magnitude 2.5 pasado alas 12:34 at magnitude 2.1 pagsapit ng alas 12:41 ng hapon.