Mananatiling bukas ang U-turn slot sa bahagi ng EDSA-General Tinio.
Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang sa matapos na ang konstruksyon ng panukalang elevated busway.
Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center Director Noemi Recio, si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang nakiusap kay MMDA Chairperson Benhur Abalos na panatilihin munang bukas ang naturang U-turn slot.
Kasunod aniya ito ng mga reklamong natatanggap ng Alkalde mula sa mga residente at motorista lalo’t tinatayang nasa pitong libong mga sasakyan ang gumagamit ng EDSA-Gen. Tinio U-turn slot kada araw.
Una nang isinara ang naturang U-turn slot noong Pebrero 1.