Muling idinepensa ng Malacañang ang pagtatalaga ni Panguong Rodrigo Duterte ng mga dating opisyal ng militar.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos alukin ng Presidente ng bagong trabaho si retired Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff Gen. Gilbert Gapay.
Ayon kay Roque, tiwala ang Pangulong Duterte na magagampanan nang mabuti at maayos ng mga dating heneral ang kanilang misyon.
Naniniwala rin ang tagapagsalita ng Palasyo na mas marami pa ring sibilyan na nasa gabinete ng Presidente kumpara sa mga dating opisyal ng militar.
Si Gapay ay posibleng mapunta sa Department of National Defense (DND) o kaya’y sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System matapos bakantehin ni dating MWSS Chief Emmanuel Salamat ang kanyang posisyon.