Ikinababahala ng isang senador ang patuloy na pagtaas ng bilang mga kabataang hindi nakakapag-aral.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Youth, batay sa datos ng Department of Education (DepEd) ay halos apat na milyong estudyante ang hindi nakapag-enroll ngayong school year.
Magugunitang inihayag din ng DepEd noong 2020 na tinatayang 23 milyon lamang ang nakapag-enroll sa public at private schools na mas mababa kumpara sa 27.7 milyon enrollees noong 2019.
Dahil dito, binigyang diin ni Angara na mahalagang matutukan ang sitwasyon ng Out-of-School Youth (OSY) lalo na’t patuloy na dumarami ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.