Inilalatag na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang post calamity assistance para sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyong Lando.
Kaugnay nito, agad pinakilos ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang lahat ng regional offices ng DOLE sa mga lugar na nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo.
Kabilang na rito ang National Capital Region o NCR, Cordillera Administrative Region o CAR gayundin sa Regions 1 hanggang 5.
Kabilang sa mga inihahandang ayuda ng DOLE para sa mga mawawalan ng trabahong manggagawa ay ang counseling, pagpoproseso sa separation pay, pagtulong sa paghahanap ng ibang trabaho gayundin ang pagbibigay assistance sa pagkuha ng loan sa SSS.
By Jaymark Dagala