Hinimok ng Health Department ang publiko na lumahok sa vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19.
Sa press briefing ng DOH, binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang pagbabakuna ng isang indibidwal ay hindi lamang para sa sarili nito pati na rin aniya sa iba’t-ibang miyembro ng pamilya nito.
Paliwanag ni Vergeire, kung protektado na ng bakuna ang isang idbidwal malaki aniya ang tsansa nitong kahit papaano’y hindi ito madadapuan ng virus basta’t patuloy na susunod sa umiiral na health protcols kontra COVID-19.
Sa huli giit ni Vergeire, bagama’t hindi sapilitan ang pagpapabakuna, kinakailangan aniya ang puspusang information campaign hinggil sa pagbabakuna laban sa nakamamatay na virus para mawala ang agam-agam ng publiko rito.