Inihayag ng liderato ng Department of Foreign Affairs (DFA) na higit pa sa paghahain ng diplomatic protest ang kaya nilang gawin oras na may gawin ang China nang hindi kaaya-aya hinggil sa umiiral na bagong coast guard law doon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na ito lamang ay isang babala dahil hindi sila magdadalawang isip na maghain ng anumang protesta.
Mababatid na sa bagong batas ng China, pinapayagan ang mga ito na wasakin ang anumang istraktura na itinatayo o itatayo ng ibang mga bansa na claimant din ng mga isla roon.
Nauna rito, makailang beses nang iginiit ng pilipinas na ang mga inaangking isla ng China ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.