Handang magpabakuna kontra COVID-19 ang nasa mahigit kalahati ng mga residente ng Quezon City.
Ito ang inihayag ni Q.C Mayor Joy Belmonte, batay sa resulta ng isinagawa nilang survey.
Ayon kay Belmonte, halos 38,000 sa higit 74,000 mga residenteng Q.C. na sumagot sa survey ang nagsabing handa silang magpabakuna kontra COVID-19.
Halos 11,000 naman aniya ang tumanggi habang mahigit 26,000 ang nagsabing hindi pa sila makapagpasiya.
Ani Belmonte, ikinalulugod nilang marami-raming mga tiga-Quezon City ang handang magpabakuna bagama’t kailangan pa rin nilang kumbinsihin ang iba pang nagsabi ng undecided.
Kaugnay nito, naglunsad aniya ang lokal na pamahalaan ng isang vaccine confidence campaign para mahikayat ang mas marami pang mga residente na magpabakuna.