Magpupulong ang Pilipinas at Estados Unidos ngayong buwan para plantsahin ang mga hindi pagkakaunawan hinggil Sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, kanya nang isinasaayos at iniisa-isa mga usaping may kinalaman sa vfa upang maiprisenta sa nakatakdang pulong niya sa kinatawan ng estados unidos.
Gayunman, tumanggi na si Locsin na idetalye pa ang mga lalamanin ng posibleng kasunduan hinggil dito.
Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon, sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong pasiya na ipakansela ang VFA sa Amerika.