Inaprubahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kahilingan ng Centro Escolar University (CEU) na magdaos ng limited face-to-face classes sa kanilang unibersidad partikular sa kanilang College of Dentistry.
Sa inilabas na pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, sinabi nito na sa ngayong nakararanas ng pandemya ang bansa, kinakailangan aniya nito ng karagdagang mga healthcare professionals.
Kasunod nito, ani Moreno sa mga papasok na estudyante at mga guro ng CEU ay maaaring makakuha ng libreng swab test.
Nauna rito, inaprubahan ni Moreno ang plano ng University of Santo Tomas na magsagawa ng face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health courses.