Umakyat na sa 540, 227 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,235 panibagong COVID-19 cases ngayong Martes, Pebrero 9.
Nasa 29,167 naman ang active cases.
Samantala, 53 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t sumirit na 499,764 ang total recoveries
Habang 65 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,296 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,235 ngayong Martes, Pebrero 9.
Pumalo na sa kabuuang 540, 227 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 29,167 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/o8Iqx3RTzM
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 9, 2021