Iminungkahi ni Senate Minority Leader Frank Drilon sa Comelec na bumili ng karagdagang biometric scanners para mapabilis ang pagpaparehistro ng mga botante.
Aniya malaking bagay ito para mapalawak din ang satellite Voter’s Registration Program.
Giit ni Drilon mas makabubuti kung madadala sa mga barangay ang pagpapa rehistro ng mga botante lalo ngayong pandemya kung saan nalimitihan ang galaw ng mga tao.
Batay sa datos ng Comelec, 3 milyong bagong botante ang kinakailangan magpa rehistro bukod pa sa 7 milyon na kailangan lang ng renewal dahil hindi nakaboto nitong huling dalawang eleksyon.