Nasa 250 mga Pilipino sa Myanmar nais nang umuwi pabalik ng Pilipinas.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa gitna na rin ng sitwasyon sa Myanmar matapos magdeklara ng kudeta ang militar doon.
Ayon sa DFA, kanila nang isinasapinal ang ikakasang repatriation flight sa Lunes, Pebrero 15.
Sa kasalukuyan ay ipinoproseso na rin ng embahada ng Pilipinas sa yangon ang pagkuha sa impormasyon ng mga Pilipinong nais nang umuwi ng Pilipinas.
Samantala, patuloy naman hinihikayat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Loscin Jr. ang iba pang mga Pilipino na nagpaplano na ring umuwi na magpalista na para sa repatriation flight.
Sa pinakahuling datos ng DFA noong Hunyo ng nakaraang taon, umaabot sa 1273 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasa Myanmar.