Naniniwala si Senate President Protempore Ralph Recto na hindi ipinaalam ng LTO sa Pangulong Rodrigo Duterte ang anito’y sangkaterbang polisiya para sa paniningil ng ahensya sa mga motorista na lalong nagpahirap sa mga tao ngayong may pandemya.
Kinuwestyon ni Recto ang posibleng pang aabuso ng LTO sa mandato nito dahil sa pagsasapribado ng motor vehicle Inspection Center (MVIC).
Sinabi ni recto sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na wala siyang nakitang batas na nagpapahintulot sa lto para isapribado ang vehicle inspection program.
Ayon kay Recto dapat ay ikinunsulta o isinangguni ng LTO ang usapin sa kongreso para mapondohan at ma sustain ang operasyon ng mga Motor Vehicle Inspection Center.
Sinabi naman ni LTO Chief Edgar Galvante na humiling sila ng pondo sa kongreso at maging sa road board.—ulat ni Cely Ortega-Bueno