Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Kalinga Governor Ferdinand Tubban.
Naka-isolate na sa isang ospital si Tubban na, ayon sa mga otoridad ay walang travel history sa labas ng provincial hall.
Dahil dito, umaapela si Tubban sa lahat ng mga nakasalamuha niya na i-monitor ang kanilang mga sarili sa posibleng sintomas ng COVID-19.
Ang provincial hall ng Kalinga ay nasa bayan ng Tabuk na nasa isalalim ng enhanced community quarantine hanggang sa ika-15 ng Pebrero.