Inatasan ng Interior Department ang Philippine National Police (PNP) na bantayan at tiyakin ang seguridad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines maging ang inoculation teams nito.
Sa isang pahayag sinabi ni Interior officer-in-charge, Undersecretary Bernardo Florece Jr., na makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga local government units (LGUs) para matiyak na makararating ang mga bakuna sa mga benepisyaryo nito lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.
Ibig sabihin, simula sa pagdating ng bakuna sa bansa, hanggang sa maiturok ang mga ito ay kasama, ani Florece, ang mga tauhan ng pulisya.
Bago pa nito, inihayag na ng punong ehekutibo sa Communist Party of the Philippines na hayaang maihatid ng ligtas ng pamahalaan ang mga bakuna kontra COVID-19 lalo na sa mga liblib na lugar sa bansa.