Mas maagang target na petsa para sa pagkamit ng herd community kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo makaraang ihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa taong 2023 ang target ng Pilipinas na makamit ang naturang immunity laban sa virus.
Ayon kay Robredo, marami na kasing mga Pilipinong naghihirap at nawalan nang trabaho kaya’t dapat na puntiryahin ng pamahalaan ang mas mabilis na pagbabakuna sa mgamamamayan.
Pakiusap pa ng pangalawang pangulo ay ang pagtutulungan ng bawat isa upang mapabilis ang pag-roll out at magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.
Dagdag pa nito, kaagad na magbabalik sa normal ang lahat oras na kaagad ding mapagtatagumpayan ang herd immunity laban sa COVID-19.