Nahuli ng mga awtoridad mula sa i-ACT ang mga tsuper ng jeepneys dahil sa paglabag sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Sa isinagawang operasyon ng i-ACT sa Sta. Mesa sa Maynila, nahuli ng mga ito ang ilang tsuper ng jeepneys na nagsasakay ng mga pasaherong walang face shield.
Ang ibang mga nahuling tsuper ng jeepneys naman ay dahil sobra-sobra na ang kanilang mga sakay o overloading, at magkakadikit-dikit din ang mga pasahero nito na malinaw na hindi nasusunod physical distancing.
Bukod sa mga ito, nahuli rin ng i-ACT ang isang van ng DPWH dahil sa umano’y pagsasakay ng iligal ng mga pasahero.