Nagdadalamhati ang Department of Transportation (DOTr) sa pagpanaw ni MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia ngayong gabi ng Miyerkules , Pebrero 10.
Nagpaabot naman ang ahensya ng pakikiramay sa pamilya at mga naulila ng opisyal at nagpapasalamat ito sa naging kontribusyon ni Garcia sa MRT-3.
Matatandaang nauna nang naiulat ni DOTr Secretary Arthur Tugade na dinapuan si Garcia ng COVID-19 at na-confine sa Intensice Care Unit (ICU) ng isang ospital nitong Enero kasunod ng balitang posibito sa virus ang 36 MRT-3 office personnel —sa panulat ni Agustina Nolasco
DOTr PRESS STATEMENT
10 February 2021