Hindi pa nasisiguro ng pamahalaan ang mismong petsa ng dating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa na mula sa Pfizer-BioNTech.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tentative schedule pa lamang ang mga naiuulat na petsa ng pagdating ng bakuna sa bansa dahil wala pang opisyal na petsa na ibinibigay ang COVAX facility ng World Health Organization (WHO).
Kaugnay nito, inaasahan pa rin ng NTF-COVID-19 at ng kagawaran ng kalusugan na darating na ang unang batch ng Pfizer vaccine na nasa 117,000 doses sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.—sa panulat ni Agustina Nolasco