Inihayag ng Palasyo na pormal nang ipinatigil ng punong ehekutibo ang pagpapatupad ng child safety in motor vehicles act o Republic Act 11229.
Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang naturang hakbang ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para aniya kahit papaano’y maibsan ang iniisip ng publiko sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Bukod sa pagpapaliban sa child car seat law, sinabi rin ni Roque na hindi na mandatory o hindi na ino-obliga ng pamahalaan na sumailalim ang mga sasakyan sa motor vehicle inspection system.
Ipinagpaliban po ng Presidente ang implementasyon ng child car seats,” ani Roque.