Nakatakda nang dumating sa bansa ang mahigit kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac ngayong buwan ng Pebrero.
Sa anunsyo ng Malacañang, nasa 600,000 doses ng bakuna ang inaasahang lalapag sa bansa sa ika-23 ng Pebrero, kabilang na ang 100,000 na binigay ng gobyerno ng China sa Department of National Defense.
Magugunitang wala pang ini-issue na emergency use authorization (EUA) ang Food and Drug Administration para sa Sinovac.
Sa pamamagitan kasi ng EUA ay pinapayagan ng pamahalaan ang paggamit ng isang underdeveloped o hindi pa tapos na produkto dahil sa pandemya.
Ang bakuna po ng Sinovac na galing China, nakaukit na po sa bato ang pagdating. Ito po ang ay sa 23 ng Pebrero, 23 February po darating ang Sinovac,” ani Roque.