Aprubado na ng pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ‘compassionate use’ ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Sinopharm ng China para sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sinabi nito na nasa 10,000 dose ng bakuna ang gagamitin sa naturang ‘compassionate use’.
Mababatid na bago payagang magamit ang isang bakuna, kinakailangan nitong magkaroon ng emergency use authorization (EUA) mula sa FDA.
Pero paliwanag ng FDA, pupwede nilang payagan ang paggamit ng isang bakuna kahit walang EUA basta may ‘compassionate use’ permit ang mga ito.