Bahagyang maaantala ang pagdating ng nasa 117,000 dose ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech COVID-19.
Ito, ayon kay Deputy Chief Implementer Vince Dizon ng National Task Force Against COVID-19 ng pamahalaan, ay dahil sa paperwork o pagproseso ng mga kinakailangang dokumento sa COVAX facility at sa World Health organization (WHO).
Magugunitang una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na lalapag sa bansa ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim mg COVAX facility sa kalagitnaan ng Pebrero at handa na rin aniyang ilarga ng pamahalaan ang mass vaccination sa ika-15 ng Pebrero.