Inihahanda na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang kanilang 3 COVID 19 vaccination hubs.
Ito’y upang para mapabilis ang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan sakaling dumating na sa bansa ang mga biniling bakuna.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ilan sa mga tinukoy na major vaccination hub ang Lakshore Vaccine Training & Information Center, Bonifacio Global City (BGC) na nasa Brgy. Fort Bonifacio at ang Vista Mall sa Barangay Calzada-Tipas.
Maliban pa ito ani Cayetano sa 40 community vaccination centers na magsisilbi sa 630,000 Taguigenos sa loob ng 60 hanggang 90-araw.
24 oras bukas ang mga vaccination hubs kaya’t hindi lang komportable kundi mabilis pa ang pagbabakuna ng mga residente ng lungsod kung saan, matatagpuan ang mga ito sa lugar na madaling puntahan.