Nagpaalala ang pamunuan ng Department Of Health (DOH) sa publiko hinggil sa pagdaraos ng Chinese new year.
Sa inilabas na abiso ng DOH, sinabi nito na kasabay ng pagdiriwang ng Chinese new year, ‘wag anila kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols kontra COVID-19.
Mababatid na kabilang dito ang pag-limit sa pagsasagawa ng mass gatherings.
Payo ng doh, kung kinakailangang lumabas, ‘wag kalimutang magsuot ng face shield at mask.
Sa huli, binigyang diin ng DOH na huwag ding makalimot sa paghuhugas ng kamay.